Thursday, December 22, 2011

Makilahok sa MAY THEY BE ONE BIBLE RUN sa Ika-22 ng Enero 2012!

Makilahok sa isang makasaysayang pagtakbo tungo sa pagbabago! Makiisa sa May They Be One Bible Run na gaganapin sa Quirino Grandstand sa Enero 22, ganap na ala-singko ng umaga.


Layunin ng Bible Run na lumikom ng di bababa sa 5,000 mananakbo na nagpapahalaga sa Salita ng Diyos at naniniwalang ito ang paraan upang mabago ang mamamayan at ang bansa. Layunin din ng kampanya na makaipon ng pondo para makapaglimbag ng limang milyong Biblia na ipamamahagi sa mga maralitang Pilipino.


Sa pagbabayad ng registration fee na Php 350, ang bawat runner ay awtomatikong makapag-aambag ng subsidiya sa dalawang Biblia. Ang na Php 250 naman na Student Rate ay makakapag-sponsor na ng isang Bibliya. Kasama na rin sa registration fee ang Bible Run shirt at race kit.


Para magpatala, pumunta sa pinakamalapit na registration center (R.O.X. The Fort, PBS Biblehouse branches o PCBS Bookstores). Maari ding i-download ang registration form sa www.bible.org.ph o www.ecba-cbcp.com o kaya tumawag sa Bible Run Secretariat sa 524-5337 o 526-7777 loc. 631 o 633.


Makiisa sa pagbabago ng Pilipinas, makiisa sa MTBO Bible Run!


Footnote: Thanks to my good friend Ms. Hazel Alviz of  The Philippine Bible Society for the heads-up!


Heart

  • Share On Facebook
  • Digg This Post
  • Stumble This Post
  • Tweet This Post
  • Save Tis Post To Delicious
  • Float This Post
  • Share On Reddit
  • Bookmark On Technorati
Blog Gadgets

1 comment:

  1. Hello, what entice publish an article. This article was very interesting, especially because I was looking for ideas on this subject. Thank you very much for coming and for your website in general. I loved it. It is always a pleasant surprise every time a position is both beneficial and enjoyable! Thanks

    ReplyDelete